Reminiscing Nueva Ecija

After a couple of months of none posting here on my personal blog. I was able to get a glimpse of time for me to write something about me. I wasn't able to blog here on my personal blog because of too many reasons. One thing I could tell you is that I've been focusing on my Money Making blog the past two years. A lot of my colleagues didn't know about in order for me not to be kicked off by Google due to unsolicited clicks on the same IP. So It was a long time that I haven't able to put my hands on my personal blog.

So to start with. I'm not in Manila. I left yesterday night from Taytay and headed to Nueva Ecija. A good friend of mine is asking if I can help in the elections. Since He knows I know a lot of softwares and IT systems. What he wants me to do is to check if there are some hidden secrets or hacking activities that will make the election in their town unsuccessful. So over the phone, I told him that it's all safe and I think the government had already learned a lot base from experience. Nonetheless, He still insist to have me on their town. So here is me now writing over my blog at the bottom of a big Mango tree.  

I gave this post as "reminiscing Nueva Ecija" because as I was traversing yesterday night. All the good memories my father all came in front of my face. It even shook me to the inner core and gives me the feeling again of I'm home. Whooa, I miss my father. So after a 3 hour bus ride I was able to reach my destination. Cool, quiet and clean air. Wow! Paradise indeed. I headed on my mother's ancestral house. A cool classic built in the late 1800's truly this house is a testament of time. Bricks and hard wood Narra are still intact and you can even say that maybe a 100years it will still last. According to my mother, Lola bought the house for 200 pesos. Hehehehehe so cheap but during their days it was expensive. A lot of memory that this house had kept. It has heard all the quiet conversations. All the romantic words of Lolo to my Lola.

Nothing more comes close to having such a beautiful province like Nueva Ecija. Although, I wasn't able to visit you from time to time but still your charisma still last. I'll be going back on Monday and hoping that I will be able to vote. If not, then I might stay for 1 or 2 more days.

Thank you for reading.

Dakot o Kurot?

NAtuwa lang ako sa Blogger na ito. salamat din sa nagpost sa FB page nya at nabasa ko ito..what can I say.. I can relate lang.. sa author ng blog/article na ito..ipagpaumanhin mo at gusto kong ipost at nang makatulong din ako sa ibang mamayang Filipino.

Para sa inyo aking mambabasa.


KUROT' Principle... (MUST-READ!)

Ano ‘yung Kurot Principle? Ay, ang ganda nitong Kurot Principle na ito. To better understand this, I will tell you a story of a person na balak bumili ng cellphone worth P1,000. Nagkataong mayroon siyang P100,000 na savings. Puwede ba siyang bumili ng cellphone? Puwede, kasi yung P1,000, KUROT lang ‘yon sa kanyang savings.

May pangalawang taong balak bumili ng cellphone. Ang bibilhin niya ay worth P1,000 din. Mayroon siyang savings sa bangko na P1,000. Bumili siya ng cellphone. Anong tawag dun? DAKOT na ‘yun! Dinakot lahat ang pera niya!

May pangatlong tao, balak bumili ng cellphone, pero walang savings. P1,000 lang naman ‘yung bibilhin niya. Bumili siya. Anong tawag ‘dun? UTANG na ‘yun!

Ang tanong: ano’ng prinsipyo ang ginagamit mo sa buhay mo? KUROT, DAKOT, o UTANG?

Magtataka pa ba tayo kung bakit tayo naghihirap o baon sa utang? Ang gagaling nating dumakot! Ang gagaling nating umutang! Gusto mong yumaman? Starting today, matutong kumurot. Kapag may bibilhin, dapat kinukurot lang! Nagkakaintindihan ba tayo? Kapag ginawa mo ito, pangako, yayaman ka.

Pag-aralan nating muli ang mga pinakamayayaman sa Pilipinas, ang Chinoy. Again, bakit sila mayayaman? Ang gagaling nilang… kumurot! Tayo ang gagaling nating… dumakot! Sasampolan kita…

Pinoy vs. Chinoy Businessman

May dalawang negosyanteng nagsimula ng kanilang negosyo, isang Pinoy at isang Chinoy. Ang capital nila pareho ay P100,000.

Sa unang buwan, si Pinoy, kumita ng P10,000. Ano ang iniisip bilhin? Cellphone. Si Chinoy, kumita rin ng P10,000. Ano ang gagawin niya? Idadagdag niya sa puhunan.

So magkano na ngayon ang puhunan ni Chinoy? P110,000! Si Pinoy, P100,000 pa rin, pero may bago siyang cellphone. Ang ganda!

Ituloy natin. After a few months, maganda ang takbo ng negosyo. Si Pinoy kumita ng P50,000. Ang Pilipinong may P50,000, ano ang balak bilhin? Bibili siya ng home theater, DVD, at LCD TV! Si Chinoy, kumita rin ng P50,000. Anong gagawin niya? Idadagdag uli sa puhunan niya. Magkano na ang puhunan niya? P160,000 na!

A few months later pa, ang Pinoy kumita ng P150,000! Ang Pilipinong mayroong P150,000, ano ang balak bilhin? Second-hand na kotse o pang-downpayment sa bagong kotse. Ang Chinoy, may P150,000. Ano’ng gagawin niya? Idadagdag sa puhunan! Magkano na ang puhunan niya? P310,000!

Buwan-buwan, si Pinoy kumikita. Dagdag siya ng dagdag ng gamit. Magkano ang puhunan niya? P100,000! Si Chinoy, buwan-buwan kumikita. Ano ang ginagawa niya? Dagdag ng dagdag sa puhunan niya. One day, Chinoy was able to save P1 million! So ginawa niya, he approached one supplier and said, “Supplier, kung bibili ako sa‘yo ng worth P1 million, bibigyan mo ba ako ng discount?” Hulaan mo kung ano ang sasabihin ng supplier. “Of course, ang dami mong bibilhin, kaya bibigyan kita ng additional 5% discount!”

Ngunit naisip ni Chinoy, “Hindi naman yata maganda na sa akin lahat ang 5%. Ang gagawin ko, bibigyan ko ang customers ko ng 3% discount at sa akin na lang ‘yung 2%.” Ibig sabihin, bababa ang presyo ng kanyang mga ibinebentang produkto.

It just so happened na magkatabi ang tindahan ni Chinoy at ni Pinoy. Pareho sila ng mga produktong ibinebenta. Given the situation, kanino kayo bibili? Kay Chinoy, because it’s cheaper. Ano ang mangyayari sa negosyo ni Pinoy? Malulugi na. Kasi mas mahal ang kaniyang produkto. Ano ang gagawin niya? Ibebenta niya ‘yung kotseng nabili niya ng P150,000. Sino ang bibili? Siyempre, ang maraming pera, si Chinoy. Tatawaran pa ni Chinoy ang kotse ng P80,000. Dahil gipit na si Pinoy, kahit palugi ay ibebenta na rin niya. Si Chinoy ngayon ay nagkaroon ng kotse na murang-mura lang!

After a few months, mauubos din ang P80,000 ni Pinoy. Ano ang susunod na gagawin ni Pinoy? Ang home entertainment niya ay ibebenta na rin. Magkano? P20,000 na lang. Sino ang bibili? Si Chinoy. Darating ang araw na pati ang cellphone ni Pinoy ay ibebenta na niya. Magkano niya ibebenta? P2,000 na lang! Isang araw, magsasara na ang negosyo ni Pinoy. Ano ang gagawin niya? Malamang, magtatrabaho na lang siya kay Chinoy. Ito ang kuwento ng bansang Pilipinas!

Naalala mo pa ba noong araw, mas mayayaman ang mga Pinoy kaysa sa mga Chinese. Bakit nagbago? Ano ba ang problema natin? Dakot kasi tayo ng dakot! Sila, kurot lang ng kurot!

Mayroon kaming naging participant before na nagsabi, “Sir, hindi naman totoo ‘yan! I know a Chinoy, he drives a BMW. That’s a P5 million car! Kurot ba ‘yun?” Malamang kurot ‘yun! Noong binili niya ‘yun, mayroon na siyang P100 million na savings! So kurot lang ‘yun! Nandiyan ka pa ba?

Isang Kahig, Isang Tuka

Saan ka makakakita ng mga taong isang kahig, isang tuka? Saan? Sa squatters area? Magtigil ka! Gusto mo’ng makakita ng mga taong isang kahig, isang-tuka? Sa Ortigas, sa Makati, may makikita ka.

What do I mean? Kapag hindi ka sumuweldo ng isang buwan, mabubuhay ba ang pamilya mo? Kung wala kang credit card, kung mawalan ka ng trabaho ngayon, ilang araw ang aabutin para mabuhay ng matino ang pamilya mo? Kapag nawalan ka ng suweldo, patay ka!

Ang mga Chinoy, kahit hindi muna kumita o magnegosyo, mabubuhay ng maganda. Bakit po? Kasi many years ago, kumahig sila ng kumahig at tumuka lang konti. Kaya marami sa kanila ngayon, tuka na lang ng tuka. Maraming Pinoy, kapag hindi tayo kumahig, wala tayong tutukain.

Ito ang masakit–sometimes, kahit matanda na tayo, kahig pa rin tayo ng kahig. Gaano karaming Pilipino ang 60 years old na ay trabaho pa rin ng trabaho? Puwede ba, simula ngayon, kumahig ka nang kumahig at iwasan munang tumuka. I-deprive ang sarili ng kaunti.

Ang pinakamasakit sa lahat ay ito–one day, you want to work, but you cannot work. You are already old. Why? Nagpakasasa ka kasi noong bata ka pa. Inubos mo na lahat ng lakas at kalusugan mo sa bisyo.

Tanong: Masama ba’ng bumili ng mahal? Sagot: Hindi! Basta kinukurot lang! Kapag nakakita ka ng kasamahan mong naka-Nike shoes, huwag mong husgahan kaagad iyong tao! Malay mo, kinurot lang niya iyon. At the end of the day, what is happening to other people is not important. What’s more important is what is happening to you.

The Bible says in 1 Thessalonians 4:11, “Make it your ambition to lead a quiet life. You should mind your own business and work with your hands, just as we told you.”


(Excerpted from Vic and Avelynn Garcia’s book entitled Kontento Ka Na Ba Sa KaPERAhan Mo?)