My Own way of Sharing the World I see on my own Perspective.

Minsan may isang Chee...

Naitanong mo ba sa sarili mo yan? Naranasan mo bang mag-isa kahit saglit lamang? Naalala ko noong bata pa ako ng namasyal kami sa Cubao. Naiwan ako ng Nanay ko sa loob ng isang shop. Umiyak ako agad at talagang nag-iwan ng marka sa isipan ko ang pangyayaring yon. Nakakatakot at di mo alam ang gagawin mo. Mag-isa. Tulala. Yan ako ngayun. Nakadungaw lang sa bintana habang patuloy na umaagos ang luha. 

Pangalawang beses ko nang bumalik sa Doha. May nakuha akong freelance job na tuwing anim na buwan ay kailangan kong lisanin ang Doha para magpanibago ng Visa. Masalimuot ang proseso ng pagbalik ko at muntik pa akong ma-offload. Kung di lang dahil sa isang tao yon di na ako babalik. Pagbalik ko ng hotel andami ko pang inayos. Lipat gamit at kung ano-ano. Sumobrang busy  ng utak ko nawala ka sa priority ko. Alam mo yan dahil indi naman ako ganun. Ikaw ang lagi kong inuuna. Marahil nanibago ka pagbalik ko pero ang totoo.. natakot ako.. malapit ka na umalis at parang di ko kayang harapin yun. (ang totoo mukhang mas napaaga pa). Ngayun sa pagbalik ko mas mabigat sa kalooban ang lahat. Homesick sa pamilya  at nangungulila din sayo. Sana di ako nakatulog nung araw na yun. Laging nagpapabalik-balik sa mga oras na ito. Ang tanga-tanga mo bakit ka nakatulog nung araw na yun. Maayus naman yung usapan natin nung naghiwalay tayo after sa bus pero tinulugan kita. Sabi ko na nga magagalit ka pero indi ko inaasahan na yung galit mo aabot sa dedmahan....

Sinubukan kitang tawagan, Nakablock ako sa Cellphone, Sinubukan ko sa FB messenger nakablock din.. sinubukan kong iblock ka para mag reset at makapagpadala ako ng message pero ngayun di na tayo friends. Nag-email ako nagpapaliwanag ngunit sadyang wala... nakita ko lang ang status ay NOT OPENED. Mabuti na lang at may Viber at What's app na alam kong nababasa mo ang mensahe ko.  Mahirap ka palang suyuin. Mas mahirap pa sa hari ng Doha. Yung Pride mo na sing taas ng Burj Dubai di ko kayang akyatin bukod sa paggamit ng elevator. Masyado ka nga bang matigas o normal na sayo ang lahat. Indi ko gagawin ang ginawa sayo ng asawa mo..Kung ito ay karugtong nung pagblock mo sa akin ng nasa pinas ako eh totoo naman na sinabi mong wag kitang kausapin.... sayo naman nang galing yun at sinunod lang kita... wala bang second chances to... andaming pumapasok ngayun sa utak ko na kung ano-ano. Gulong gulo ako. Nabaliw nga ata ako sayo pero kung iniisip mo walang patutunguhan ang lahat ng pinangako ko nagkamali ka. Itinanong ko sa Hotel kung paano kita mapapapunta. Dahil alam ko nangako ako na gagawin ko yun pagbalik ko. Huli man lahat indi ko binali ang pangako ko. Alam mong gustong gusto at mahal na mahal kita. Ang nararamdaman kong ito ngayun ay pansamantala. Sinulat ko lang ito para pagdating ng panahon na magkita tayo ay pwede kong ipabasa sayo, Eufrocina Cardenas

Ano't ano pa man... I love you and will always do. I hope you forgive me for what I did.... kausapin mo na ako please...

Ang kwentong ito ay nailathala ngayung January 14,2015 ngunit naka schedule ng January 14, 1990 para maitago.





Share the Love : Share On Facebook ! Share On Google Buzz ! Add To Del.icio.us ! Share On Digg ! Share On Reddit ! Share On LinkedIn ! Post To Blogger ! Share On StumbleUpon ! Share On Friend Feed ! Share On MySpace ! Share On Yahoo Buzz ! Get These Share Buttons ! Share On Google Reader ! Google Bookmark ! Send An Email ! Blog Feed !

Related Posts with Thumbnails