My Own way of Sharing the World I see on my own Perspective.

Nakakainip pala mag-aral ulit...

Kumuha ulit ako ng Cisco Module sa Up-ittc. Natapos ko na yung CCNA module 1. Tungkol ito sa Network Fundamentals. Hinimay himay lahat yung OSI model para talaga matutunan ng mga istudyante. 10 chapters ang bawal module. Sampung sabado ang kailangan mong pasukan para matapos ang CCNA1. Ngayun na sa Module 2 na ako. Tungkol naman ito sa Routers ni Cisco. karaniwan yung iba ay hindi na ito kinukuha bagkus at sa ccna module 3 na dahil sa mga ISP mo ito pwede gamitin.

Kung nais mong mag-aral tungkol sa mga cisco routers at switch. Inirerekomenda ko ang UP-ittc. Magaling ang mga titser dito at maganda ang pasilidad. Japanese sponsored kasi ang UP-ittc. Sa halagang sampung libo eh makakakuha ka na ng module. May certification na kasama na nakumpleto mo ang bawat module mula sa UP at sa CISCO na din.

Sa bawal chapter na natatapos i-discuss ng guro ay may mga laboratory exercises. Dito mo i-aapply ang mga nasa theory na itinuro. Ang sabi nga nila mas madaling matuto ang isang tao kung namamanipula nya ito.(pero tinatamad ako mag lab) kaya ginwa ko nalang ang isang entry ng blog post ko na ito.

Nasa chapter 8 na kami at tungkol ito sa router lookup process. Madali lang pero nakakalito pa din. Dati gustong gusto ko matutunan ang networking, pero ngayun na hawak ko na ang pag-aaral ay tinatamad naman ako. Siguro kailangan ko na magpalit ng module. Pero kung ikaw ay nagnanais na maging network administrator. Iminumungkahi ko na kuhanin mo ang module 1 at module 2. Magandang magbasa ka din ng mga libro patungkol dito. Maraming website ang pwede mong puntahan.

Para sa website ng UP-ITTC ito yung link.http://ittc.up.edu.ph

Share the Love : Share On Facebook ! Share On Google Buzz ! Add To Del.icio.us ! Share On Digg ! Share On Reddit ! Share On LinkedIn ! Post To Blogger ! Share On StumbleUpon ! Share On Friend Feed ! Share On MySpace ! Share On Yahoo Buzz ! Get These Share Buttons ! Share On Google Reader ! Google Bookmark ! Send An Email ! Blog Feed !

Related Posts with Thumbnails