Walang pasok ngayun. Pero dahil walang pasok meron akong pasok sa Blogging school of Melardenio. Ano ba yung araw ng kagitingan? Meron pa bang magigiting sa mga Pilipino ngayon? Marahil ang isang okasyong katulad nito ay isa lamang pag gunita na ang isang empleyado ay magpapahinga at magkakaroon ng mahabang oras sa pamilya. Ano na nga ba, nasaan na nga ba ang diwa ng pagiging isang magiting kung ang bawat isa ay abala sa pangangampanya.
Magiging magiting ba ako? Yaan ang tanong ko sa sarili ko ngayun? Paano ba naging magiting sila Jose Rizal, Andres Bonifacio at marami pang iba. Nasaan ang mga kastilang umaalipin sa panahon ngayun. Nasaan ang mga Kura Paroko na nang hahalay sa ating mga kababaihan.
Nagbago na ang Panahon. Sa napakabilis na Panahon nagbago ang bansang Pilipinas. Madami ang nagbago sa labas na kaanyuan. Pero nanjan pa din ang mga Kastila-kaluluwa na syang nagpapahirap sa atin. Nakakatulong pa ba ako? Marahil oo sa maliliit na paraan. Ako ay isang motorista ng kalakhang maynila. Nakatutulong ako, sa paraan na hindi ako nakikiisa sa pagpaparami ng Usok sa kapaligiran. Nagiging Magiting ba ako kung ako ay sumusunod sa batas trapiko. OO- Kahit madaling araw ginagawa ko ito.
Ang pagiging magiting ay indi dapat ipakita sa iba. Bagkus ay dapat isagawa araw araw ng tayo ay makahawa sa iba pa nating kasamahan. Gusto ko pang maging magiting katulad ni Efren Penaflorida. Gusto ko pang maging malaya at tularan ng iba ko pang motorista.
Mas masaya ang buhay noon ngunit mas higit ang ngayun. Ang panahon nang pagiging magiting sa pamamagitan ng himigsikan ay tapos na. Ang pagiging magiting sa pamamagitan ng pagkawala sa tanikala ng pagiging mahirap ang sya natin dapat umpisahan.
Kung gusto mong makalaya at maging magiting patuloy mong gawin ang mga bagay na tama at matuwid sa harapan ng Dios.
Isang mapagpalang araw.
melardenio