Anim na taon na walang wang-wang. Ito na ata ang pinaka masayang narinig ko kahapon sa talumpati ng bagong Pangulong Benigno Simeon “noynoy” Aquino. Marahil dahil nakakarelate ako sa mga taong nawang-wangan. Naabuso ng mga walang hiyang hagad at mga nagpapatabing motorsiklo ng pulis dahil lang sa may isang pulitikong dadaan.
Isa ako sa nakabasa sa isang thread sa motorcyclephilippines na binatukan sya ng isang nakamotorsiklong escort ng pulitiko dahil sa ayaw nya tumabi. Isang kayabangan at indi matuwid na asal ng mga abusadong pulis na ito.
Ngayon na ang oras na wala ng wang wang. Natutuwa ako dahil wala ng mayayabang na magpapatabi sa’yo maliban sa ambulansya at bumbero. Hindi bat magandang isipin na maski sila na pinuno natin ay nakikiisa sa pag danas ng trapik sa edsa. Hindi ka ba sasang ayon sa akin kung sakaling malaman mo na naiinis sila dahil na stuck sila sa traffic ng 3 oras.
Ang sabi nga bago ka makagawa ng batas kailangan maranasan mo ito. Siguro magagawa na ng maayus ang mga kalsada natin dahil ayaw na nilang matrapik. Mawawala na ang traffic dahil mapag aaralan ng husto ang lahat ng ruta. Marahil mababawasan na ang bumabyaheng mga sasakyan na sobra sobra naman.
Isa akong sumasakay sa motorsiklo dahil ayaw kong matrapik pero kung magiging maayus na ang lansangan sa ating bayan ay mas magandang gamitin ko na ang aking sasakyan dahil wala ng trapik.
Ako po ay nakikiisa sa bagong pangulo di man ako bumoto sa iyo Pres. NOY naniniwala at nakikiisa naman ako dahil ikaw ang bagong pagasa ng pag ahon ng ating bansa.
Patnubayan ka nawa ng Panginoon at lalo pang pagbutihin ang buhay ng mga pilipino.
ANIM na taon na walang wang-wang. Yan ang pinakamasayang narinig ko.