Hindi ko na maalala kung san ko naitago ang sulat na iyon. Pero tungkol ito sa isang chismosang Ibon na kung ano-anong tsinitsismis hanggang napatahimik at nailuto.
Ganito ang pangyayari.
Nag-umpisa ang lahat ng maging mabuting magkaibigan si Bethhooven at si Dolly. Bukod sa lagi silang nagbibiruan ay naisasabay ni bethhooven sa pag uwi si Dolly. Napansin ng Chismosang Ibon ang lahat ng ito. Marahil dahil sawa na sa pagbenta ng kung ano-anong tinda sa opisina ay naisipan nyang gawan ng kwento ang dalawa.
Dahil sa chismosang Ibon, Nagkagulo ang buong barangay. Nagkaroon ng sira ang mga puno at nagkaroon ng malakas ng lindol. Dumadagundong sa buong Paligid sa sobrang ingay ng mga yabag.
Lingid sa kaalaman ng chismosang Ibon na alam na ni Bethhooven ang ginawa nya.Nagalit ito at nais nang paduguin ang nguso dahil sa nag aapoy na galit ni bethhoooven. Mabuti na lang at napigilan ito ng isang Lollipop.
Mula noon napansin ko na tumahik ang Buong barangay. Ang Chismosang Ibon ay lumipat na ng ibang lokasyon at balita ko eh sa ibang barangay naman naghahasik ng Lagim.
Sa iyo, Chismosang Ibon ang maipapayo ko lang.. Tingnan mo muna ang sarili mo bago ka humusga ng ibang tao. Linisin mo muna ang Putik na pinang gulungan mo bago ka magmalinis.
(Patnubay: Ang kasulatang ito ay Pawang Kathaang ISIP lamang. Ang Pagkakahalintulad sa iyong karanasan ay sinadya ko para magising ka sa katotohanan. Na hindi ka mayaman kaya wag mag feeling)