My Own way of Sharing the World I see on my own Perspective.

Ang Alamat ng Sitio Lucia

Hayaan nyong ilahad ko ang aking kwento sa Tagalog na linguahe.

 

Noong isang linggo nagkaroon ang Kumpanya namin ng pagkakataon na tumingin at balangkasing muli ang aming nais marating sa kasalukuyan at ang mga natapos na mga gawain sa taon 2010. Napili ng aming Admin Department na ang lugar sa Bulacan.

Ang Pangalan ng Lugar ay Sitio Lucia. Matatagpuan sa Sta. Maria Bulacan. Lagpas lamang ng kaunti sa Bocaue kung hindi trapik pero kung trapik at parang sardinas ang mga sasakyan ay parang Pampanga –balintawak naman ang haba ng byahe.

Maaga akong nagising dahil indi ako nakatulog sa kauubo at kakalunok ng sipon ko. Miyerkules ng gabi ng pumunta ang engineering department sa ACE water spa para sa kwarterly Bonding ng Grupo. Masaya din pala ang hydro –therapy. Masasabi kong isang experience ulit ito para sa akin. Hindi ko na muna ikekwento ang karanasan ko sa Ace Water Spa Dahil nagkasakit ako pagkatapos nun.

Balik tayo sa Sitio Lucia. Hindi ganun kaganda ang lugar. Pagpasok mo pa lamang galing sa kamino eh maliit na ang kalsada. Nakatagong Lugar sya at walang senyales o kung ano mang palatandaan…Dumating kami ng alas Nuebe..napakahabang byahe 2 oras sa napakaikli at napakalapit na resort.

Pagkapasok ko sa loob ay binati naman agad ako ng staff ng Resort. Organisado at malinis naman ang recepsyon area. Katulad ng ibang resort gumagamit na din sila ng Ticket Bracelet. Agad akong nagmamadali at pumunta sa kwarto upang makapagpahinga. Masama na talaga ang pakiramdam ko at nais kong matulog. Pagpasok ko sa Kwartong nakalaan sa amin ay napakabaho. Para syang kwarto na indi na rentahan ng isang Taon o mahigit pa.Ang Kama ay bakal na dobol Deck pero indi mo masasabing susyal. Kwarto lamang sya para sa mga cowboys at kabataan. Kung kasama ko malamang ang asawa ko ay marahil naglinis pa iyon ng hihigan ko.

Madumi at di ganun ka presentable ang Palikuran. May amoy na ito at halatang indi gaanong nalilinis.

Hindi ako nakapag swimming dahil nilalagnat na ako ng mga oras na ito kung kaya’t indi ko naisasama dito. May 3 atang paliguan ang napansin ko. Malinis namna ang tubig indi ko lang alam kung malinis pag dumapo na sa katawan mo at nailublob mo na.Minsan kasi Malinis lang tingnan pero pag nabasa ka na eh malagkit at indi kaaya-aya.

Ang di ko lang makakalimutan sa Sitio Lucia at ang pagkain nila. Maayus ang pagkakalagay ng mga pagkain. Masarap at malinamnam ang mga ito. Naubos ko nga ata ang lahat ng inihain sa akin kahit masama ang aking pakiramdam.

I would rate this resort as 2 over 5. It needs more improvement. Lalo na at uso ang dengue ngayon. Kailangan ata nilang maglinis at i make over ang buong resort.

Share the Love : Share On Facebook ! Share On Google Buzz ! Add To Del.icio.us ! Share On Digg ! Share On Reddit ! Share On LinkedIn ! Post To Blogger ! Share On StumbleUpon ! Share On Friend Feed ! Share On MySpace ! Share On Yahoo Buzz ! Get These Share Buttons ! Share On Google Reader ! Google Bookmark ! Send An Email ! Blog Feed !

Related Posts with Thumbnails