My Own way of Sharing the World I see on my own Perspective.

Malayo pa ang Umaga….Bansang Pilipinas

 

Naniniwala ka ba? Malayo pa ang umaga para sa bansang Pilipinas? Hindi kaya ng 6 na taong termino nang isang magiting na namumuno para magbago ang buong bansa. Nakita ko ang pagkakaiba ng Pilipinas sa Thailand. Natuwa ako noong pumasyal ako sa Thailand. Maganda ang mga Kalsada. at Maluwag. Patunay na aggresibo sa pagbabago at may nais patunguhan ang mga namumuno at mamamayan. Malinis na paligid at walang usok na hangin sa thailand ko nakita ang mga sasakyang ito.

Kung ihahambing kaparehas lang ng itsura ng isang thai ang isang pinoy. Nakakatuwa nga kasi aakalain mong thai lang din ako. Kahit magpagala gala lang ako sa iskinita ayus lang. Di-katulad nung nagpunta ako ng Italy na tingin sa akin ay Domestic Helper. Na isang mababang uri ng nilalang. Hoy Systems Engineer naman ako.

Pag alis ko ng Thailand, Ay nalungkot ako. Para kasing Pilipinas ang naituring ko sa bansang ito. Kaparehas na kaparehas kasi ng estado ng Pilipinas ang Thailand. Parang nasabi ko sa sarili ko eh parang Pilipinas na din ito. Sana sana ganito din Pilipinas kong Mahal.

Kahapon naman ay umuwi ako galing sa isang convention sa Singapore. 4 na taon nang huli akong napunta ng singapore. Ganun din ang aking naramdaman. Inggit sa mga naninirahan dito. Isang pangarap na sana maabutan ko pa habang ako’y nabubuhay.Kelan nga kaya dadating ang oras na sila naman ang magiging overseas worker sa bansa natin. Kelan kaya dadating ang oras na tayo naman ang pupuntahan para magkaroon ng convention? Kelan kaya magiging sobrang busy ang mga shopping mall dahil sa sobrang mura ng mga gadgets dito.

Malayo pa nga ang umaga. Pero nasa iyo kapwa ko Pilipino ang pag-usad ng pagbabago. Ano na ba ang nagawa mo para sa ikabibilis ng maganda umaga? Magaling lang tayo sa pag susulat pero kulang sa gawa. Patunayan natin na magaling tayong Pinoy indi sa salita pero mas higit sa gawa.

Mabuhay ka Pinoy. Kaya natin to.

Share the Love : Share On Facebook ! Share On Google Buzz ! Add To Del.icio.us ! Share On Digg ! Share On Reddit ! Share On LinkedIn ! Post To Blogger ! Share On StumbleUpon ! Share On Friend Feed ! Share On MySpace ! Share On Yahoo Buzz ! Get These Share Buttons ! Share On Google Reader ! Google Bookmark ! Send An Email ! Blog Feed !

Related Posts with Thumbnails