MANILA, Philippines - Para mabawasan ang mga naaaksidente sa pagmomotorsiklo, magkakaroon na ng sariling linya sa mga pangunahing lansa*ngan ang mga motorsiklo na bilang hakbang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, simula sa Oktubre 17 ay paiiralin na nila ang pagkakaloob ng sariling linya sa mga motorsiklo sa ka*habaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City at Diosdado Macapagal Avenue na nag-uugnay sa lungsod ng Pasay at ParaƱaque.
Ilalaan naman ang ika-apat na linya ng Commonwealth Avenue para lamang sa mga motorsiklo habang ang unang linya naman sa Macapagal Ave*nue ang kanilang sasakupin at mahigpit na ipagbabawal ang pag-okupa sa iba pang linya maliban na lamang kung kinakailangan na nilang kumanan o mag-U turn.
Nabatid kay MMDA Traffic Engineering Center head Noemi Recio, na kapag kakanan o kakaliwa na sa susunod na lansa*ngan ang mga motorsiklo ay kinakailangan na nilang lumabas ng sarili nilang linya 100 metro bago sila magsasagawa ng U-turn o pagliko sa kanan patungo sa kanilang destinasyon.
Bukod sa pagkakaroon ng sariling linya sa mga lansangan, sinabi ni Recio na bubuhayin na rin nila ang Memorandum Circular na inilabas ng MMDA ilang taon na ang nakararaan na nag-aatas sa mga nagmomotorsiklo na buksan ang kanilang headlight anumang oras kahit na sa araw upang makaiwas sa aksidente.
Ito aniya ang dahilan kaya’t karamihan ngayon sa mga manufacturer ng mga motorsiklo ay awto*matiko ng nakabukas ang headlight kapag pina-an*dar na ito sa lansangan.
Ni Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) Updated September 26, 2011 12:00 AM