Natawa lang ako nung isang araw habang nag-aayus ako ng server configuration sa abs. Actually dalawang linggo ko ng iniisip ang ginagawa kong ito sa kanilang automation. Habang ako ay abala sa pag-iisip at kuntodong sumasakit na ang aking ulo at saka ko naman narinig ang kwentong ito.
Naitanong lang ng isang kasama ko sa isang nakakatandang empleyado ng kumpanya ang tanong na,” Ilang taon na po kayo dito” at “kelan nyo balak mag retire”. Sumagot ang Ginoo at sinabi nyang mag lalabing-walo na ako dito at konti na lang at pwede na ako mag-early retirement. Mas tama nga ang ginawa mo na bata ka palang eh umalis at maghanap ka ng mas mabuting trabaho na kung saan ikaw ay lalago at yayaman, ang eka nya.
Sinundan pa ng isang pangungusap na,” Hindi katulad ko na HOSTAGE na sa kumpanyang ito”. Natawa akong maaawa dahil parang no choice na din sya at kung baga eh kailangan na lang na tapusin ang kanyang termino. Naiisip ko tuloy kung isa din ba ako sa Hostage ng aking kumpanya. Marahil sa ngayon hindi na.. tapos na ang lahat ng aking mga obligasyon at ang sabi nga sa ingles, “ looking forward and keep moving forward.” Wala na ang mga bonds at mga utang na pumipigil sa isang katulad ko na lumipat at maghanap ng bagong trabaho. Ano nga ba ang kulang at ano nga ba ang meron sa isang kumpanya para ikaw ay maging hostage. Marahil ang isang nakikita kong dahil ay ang pag kakaroon ng mabuting mga kasama. Mga kabarkada at katawanan. Wag mo ng isipin kung malaki o maliit ang sweldo basta’t ang totoo… MASAYA dito…
Sa kabilang banda, indi mo na din pala namamalayan ikaw ay tumatanda at nawawalan na ng oportunidad. Nahohostage ka na ng kumpanya at wala ka nang ibang magawa kundi magtiis at maghintay.
Iniisip ko kung magpapahostage ako o IISKAPO!…..
Ano sa tingin mo?
Kung ganito yung offer sayo? Now do the Math…
Wag mo na isipin kung baket ko tinanggihan yan. Madami ang nagtataka at madami din ang nalungkot pero ako masaya…Ang sabi ko nga…Indi kayo ang aalis AKO.
Kaya sa ngayon Pahostage muna tayo.