My Own way of Sharing the World I see on my own Perspective.

asar bugnot asar bugnot

Asar bugnot na nga lang talaga. Nawawala yung susi ng sasakyan ng kumpanya! Hindi malaman kung sinong nakawala. Ang problema nito kailangan kong umuwi ng bahay sa umaga dahil may aasikasuhin ako at dahil number coding ito ngayung Huwebes. Mabuti na lang at may isa pang sasakyan ang opisina para pwedeng saglitin ang susi sa bahay at ng makauwi ulit ako ng maaga.

Madali akong nakarating sa bahay. Kinuha ko lang ang susi at isang unan at dagli dagli akong bumalik nang opisina dahil may trabaho pa ako sa dis oras ng gabing yon. Galing pa din ako sa buong araw na trabahong yon at hindi ko inasahan na hahaba pa din at parang wala akong pasyente sa ospital. Ganu't ganun pa man sa madaling salita nakauwi ako ng alas singko ng umaga. Dumirecho ako ng Medical City upang doon na muna magpahinga at matulog. Sinabi ko sa aking anak na wag na syang pumasok muna dahil wala pa akong tulog at aabutin din ako ng coding. Nakatulog ako sa aking kinauupuan.

Nang biglang nag ring ang aking telepono. Isang kaopisina ang nangangailangan ng tulong. Sila na kasi ang naglipat ng mga gamit mula sa opisina papunta ng roadshow  sa Elements Centris.Tinulungan kasi nila akong sila na ang gumawa nitong paglilipat dahil kailangan ko ngang umalis. Pero dahil ako lang ang nakakaalam kung anong pwedeng gawin. alas Diyes ng umaga ay tumulak na muli ako ng opisina. Walang Ligo at walang almusal. Puros tulog lang ang baon ko sa araw na ito. Mabuti na lang at may nakabalot pang isang MCI uniform sa opisina na pwede kong gamitin. Pagkatapos kong makapagpalit at makapagsipilyo dumako na ako sa Roadshow. Sinilip ko ang nakatoka na task sa akin at mukhang may problema nga. Kailangan kong iconnect ulit ang setup nya sa taga-Prague para maayus. Nag iwan ako ng dongle ng SMART BRo at inactivate ko ito para maayus ang demo unit na ito. Pagkatapos ng tanghalian inaya na ako ng aking kumpare na magtungo na muli sa solar. Kailangan palang mailipat si solar sports sa ibang server box. Ayun sapul na naman ako. akala ko ay pahinga. Nakarating kami ng alas 2 sa site. Bagaman pagod mukhang naiayus naman namin ang problema. Hanggang ngayun inoobservahan pa. Natatawa na lang talaga ako sa sarili ko dahil parang ayaw na gusto pa din nitong magtrabaho. Naawa kasi ako sa mga operator doon. Indi na dedication kundi pakisama na lang din sa kanila na maging magaan ang kanilang trabaho. 

Kausap ko pa ng alas sais si Etere pero dahil may mali sa aking gagawin at baka maging Domino effect nanaman. Minabuti kong wag na munang ituloy ang masama kong balak.

Alas 8 ng gabi nasa loob na muli ako ng Medical City upang sunduin si Sammie... text ng text na umuwi na daw kami, sundo ko na daw sya. hayz namiss na ata nya ang bahay. Pagdating ko sa kwarto inabutan ko ang mag-iina ko. Mga tuliro at mukhang nagkakaroon ng diskusyon..hayz! biglang nangiti nung nakita ako. Kumain lang ako saglit at nagpaalam na sa pasyenteng si Amiel at sa aking Mabuting maybahay. Umuwi kami ni Sam, Nagcommute lang kami. Pagdating ng Junction cainta biglang bumuhos ang ulan. Antipolo pa naman ang nasakyan namin. Mukhang pagod na pagod yung anak ko dahil kahit anong gising ang gawin ko ay ayaw magising. Halos mabasa ang damit nito ng laway sa sobrang sarap ng tulog nya. Pagbaba namin ng sasakyan ay para kaming basang sisiw na nakisilong sa waiting shed. Kawawang anak ko. Tumagal siguro ng 10minuto ang malakas na buhos ng ulan.Grabeng buhos. Meron ngang masasakyan mababasa ka naman. Pagkatila ng ulan nagkanda hirap hirap naman kaming sumakay. Nag bus na lang kami ni Sammie. Greenstar bus yung aming sinakyan. 10 piso lang ang siningil ng kundoktor sa akin. Ang baet. Pagdating ng Villa. Tumawag na lang ako ng tricycle. Wala ng choice kesa naman mag jeep at maglakad pa kami. Ang mahal na pala ng bayad sa tricycle ngayun..lalo't umuulan..taga kung taga kumbaga.. Nakarating kami ng bahay ng alas 10:30. Pagud at gutom pero masaya kasi kahit papaano may nakita akong ugali ng anak ko na natuwa ako. Marunong pala syang magtiis. Gusto ko kasing makaranas sya ng hirap para matuto din sya bandang huli. Hindi kasi palaging komportable ang nandito sa mundo kailangan may hirap para matuto tayo at magpunyagi pa.

Ang haba ng kwento ko ngayun kasi sobrang dami ko kasi talagang ginagawa. Pagnakita mo akong nakasimangot alam mo na yun..PAGUD.

Share the Love : Share On Facebook ! Share On Google Buzz ! Add To Del.icio.us ! Share On Digg ! Share On Reddit ! Share On LinkedIn ! Post To Blogger ! Share On StumbleUpon ! Share On Friend Feed ! Share On MySpace ! Share On Yahoo Buzz ! Get These Share Buttons ! Share On Google Reader ! Google Bookmark ! Send An Email ! Blog Feed !

Related Posts with Thumbnails