Kababasa kababasa ko at kahahanap ko sa isang partikular na topic eh nag land fall ako sa ibang blog na ito.
http://a-pinoy-in-nz.blogspot.com, Si ka uro. nakilala ko lang ngayun. Isang aksidenteng bumagsak ako sa kanyang blog. Naghahanap kasi ako sa google ng keyword na ito " magpintura ng kotse". Kahit indi naman pumasok sa keyword nya eh nakita ko lang ang nakakaintrigang pamagat. "Mga kuro kuro ni ka uro" sa pamagat palang eh malaman na. Pure taglish ang tirada sa blog nya kaya nga mejo nakarelate ako kasi indi din ako magaling mag English at indi din magaling tumagalog. Pero daming kong natutunan sa blog nya. Naisip ko tuloy kung NZ na ba ang kasagutan sa mga pangarap naming mag asawa.
Nakatutuwang isipin na parang kakilalang kakilala ko sya pero indi naman. Siguro dahil gusto ko lang mag migrate na at nakarelate nga talaga ako. Tingnan mo ito ang unang entry ng website ko na tagalog. Na apektuhan ata ako ni ka Uro. Meron din akong ibang blog na tagalog pero di ko tinuloy kasi parang wala naman nagbabasa. Pero na isip ko mga ilang milyon din nga pala ang pilipino. kaya malamang sa malamang magtatagalog na ako.
Ka Uro salamat sa blog mo na inspire na naman ako.