Yes! naka boto ako ngayun election. Pwede akong magreklamo dahil nakialam at nakiisa ako ngayong elekson. Marami sa atin ang indi nakaboto dahil narin sa iba’t ibang dahilan. Katulad ni Jepoy na wala ang pangalan sa listahan.
Dalawang election ang indi ko pinasukan. Nung 2007 at 2004. Dahil sa mga dahilan na sawa na ako sa sistema. Pero ngayun Excited ang lolo mo. Kahit mainit ang araw pumunta pa din ako at pumila. Kahit na may pasok pa ako sa GMA para i-support ang Optibase Video over IP na producto namin. 12 ng tanghali ako pumunta at ayun may breaktime pala ang mga BEI…nag umpisang lumakad ang pila namin ala uno na!
Kahit mainit at pawis na pawis na ako indi ako umalis. Buti na lang magdala akong lampin para may pamunas. Pagpasok ko sa classroom hinanap na agan nung maganda chix yung name ko sabi ko..132-A number 29. Rommell ardenio.. tapos sabi nya ok kuha ka balota kay mam.
Eto na.. bumoboto na ako ng presidente..syempre Gordon, vice ko si MAR pagdating ng senador sabi ko unti lang boboto ko..aba akalain mo muntik na akong sumobra. buti na check ko agad na labing dalawa na pala..sabi ko buti na lang..sakto!
mayor at vice mayor lang ata ang binoto ko kasi akala ko indi ako makakaboto kaya yung mga National seat lang ang napaghandaan ko ng mga 2 oras. hahahahhaha
Ito nga pala katunayan na bumoto ako.