Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.
"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.
"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain
ang pagtulog ko," sabi ng leon.
"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.
"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa
kaibigang daga.
Ibang Bersyon ng Pabulang ito:
Ang Daga at ang Leon
Isang leon ang nahulog sa patibong at nasilo ng lambat. Nakita ito ng mga daga at sila ay nag-usap-usap. "Mabuti nga sa leon na iyan! Mababawasan na ang mga nanghuhuli at kumakain sa atin!" ang sabi ng galit na daga.
Ngunit may isang munting daga na nagkaroon ng ibang paniniwala. "Bakit sa halip na matuwa tayo sa simapit ng leon ay hindi na lang natin siys tulungan sa kanyang kalagayan." Nagulat ang mga kasamahang daga sa sinabi ng munting daga. "Nasisiraan ka na ba? Bakit mo tutulungan ang ating kaaway?" Sumagot ang munting daga, "Dahi naniniwala akong kapag ang kasamaan ay ginantihan ng kabutihan, pagkakaibigan ang magiging bunga!"
Noon lumabas sa lungga ang munting daga. Nilapitan niya ang leonna kasalukuyang kumakawala sa lambat na kinasiluan. "Ano'ng ginagawa mo rito?" paninitang tanong ng leon nang makita ang munting daga. "Naririto ko upang ikaw ay tulungan. Matatalim ang aking mga ngipin at kayang-kaya kitang pakawalan mula sa lambat na iyong kinasiluan." Iyon lang at nagsimula na nga ang munting daga sa pagpakawala sa leon. Hindi nga nagtagal ay nakalaya rin si leon mula sa bitag. Noon ito marahang lumapit sa munting daga. Nakadama ng takot so munting daga. Hanggang sa manlisik ang mga mata ni leon at nagsimulang magpakita ng kabangisan. Sinugod ang munitng daga. Sa takot na masaksihan ang madugong pagkamatay ni munting daga, nagpikit ng mga kasamahan nitong daga na nasa hindi kalayuan at nakamasid sa eksena. Ngunit nang imulat nila ang kanilang mga mata, laking gulat nila sa nasaksihan.
Buhay ang kasamahan nilang daga! Buhay si munting daga at masayang kaakbay ang leon.
Sa tabing gilidni munting daga ay nakita rin nila ang isang patay na ahas. Ang ahas na iyon ang sinalakay ng leon upang iligtas ang buhay ni munting daga, kung papaanong iniligtas din nito ang kanyang buhay. Tandaan:Ang Gintong Aral : Gawin sa Iba ang nais mong gawin sayo.