My Own way of Sharing the World I see on my own Perspective.

As usual Hataw to the Max ako

 

Eh ano pa nga ba dahil madaling araw na naman ako natapos sa aking trabaho at sobrang luwag ng kalsada as in sobra talaga. Pwede ka nga magpiko eh kung meron ilaw.

Ayu hataw to the max ang lolo mo sa kahabaan ng Katipunan pababa ng Marikina Bridge. 100kph on a 125cc scooter not bad for a small bike. Minsanan ko lang ito magawa at pakiramdam ko sa tuwing ginagawa ko iyon sa aking scooter ay natutuwa sya. Dala ko ang isang Edifier sub-woofer sa pagitan ng aking mga tuhod ko nilagay at akin din itinali sa likod ang aking Dell vostro 3300 na laptop. Naisip isip ko lang ano kaya itsura nito kung sumemplang ako at kumalat sa gitna ng kalsada habang tumatakbo ng 100kph mahigit pa.

Nakakatakot din talagang magmotor lalo’t gabi na pero no choice kaya tyagain ko na muna ito. Reliable at mabilis ang makina ng scooter na ito. Alam ko may ibubuga pa yung makina pero indi na kaya paangatin yung bola nya sa CVT kung kaya’t pako na ito sa 100kph.

Nakarating ako ng bahay ng 45 minutos  ang lumipas. Wala  na din nag momotor sa buong kahabaan.Marahil mga 10 lang ang aking napansin.

Ang maganda lang eh nagkaroon na din ng bunga ang aking pagpupuyat. Natapos din ang configuration ko sa ANC control panel. Makakapindot na ulit sila ng SKIP, D. Still at Play sa device na ito.

Mamaya indi na ako papasok. I-ooffset ko na lang ulit. Manonood ako ng costume party ng mga anak ko. O sya, Pahinga na muna ang bida. Hanggang sa muli.

Share the Love : Share On Facebook ! Share On Google Buzz ! Add To Del.icio.us ! Share On Digg ! Share On Reddit ! Share On LinkedIn ! Post To Blogger ! Share On StumbleUpon ! Share On Friend Feed ! Share On MySpace ! Share On Yahoo Buzz ! Get These Share Buttons ! Share On Google Reader ! Google Bookmark ! Send An Email ! Blog Feed !

Related Posts with Thumbnails