My Own way of Sharing the World I see on my own Perspective.

Ang alamat ni Sarhento David

Laging wala sa bahay ang mister ni Ana. Laging na dedestino sa malalayong lugar si Sarhento David. Sa dami ng NPA at Abu sayyaf sa Pilipinas na nagmimistulang mga kabute ay siya namang dalang nang pag-uwi nito sa kanilang barrio. Maswerte na nga lang kung makauwi ito ng isang beses sa anim na buwan. Nakasama din sya sa World War II. Noong panahon ng Hapon ay nasabak din sya sa pakikidigma sa mga ito. Kasapi sa sa Hukbalahap. Kung saan may destino dun sya. Kung saan maraming pwede gawin dun sya. Kaya't di maipagkakaila na marami nang balang sinalo ang kanyang makisig na katawan na nagiging dahilan na din para sya ay makapahinga habang nagpapagaling sa Hospital.

Minsan sa isang destino nya pa nga ay nadaplisan sya ng bala sa braso. Hindi man critical ay nagpadala pa din sya sa ospital. Nanalo sila sa giyera ng mga oras na yon. Ginawaran sya ng militar honor ng Pangulong Noynoy. Isang magiting na sundalo na hindi umaatras sa lahat ng laban. Basta ang natatandaan kong sabi nya ay sa tuwing sya ay uuwi galing sa destinong kung saan may giyera ay laging syang may sugat.

Isang malaking palaisipan sakin yun ng mga panahon na yun. Napagtanto ko, sadyang matapang talaga ang aming kapitbahay na ito. Lumipas ang maraming panahon at patuloy pa din sa pakikidigma si Sarhento David noon na ngayo'y Major na. (ano ba mas mataas?) At sa tuwing sya ay uuwi may sugat itong dala dala. Nang minsan naka kwentuhan ko ang kasamahan nya sa Giyera ng panahon ng mga abu sayaff na banggit nya na wala naman daw si Sarhento ng mga oras na yun sa lugar kung saan may labanan. Ipinagtataka nga daw nya bakit ito nagkaroon ng tama ng baril sa kanang binte. Takang taka ang kasamahan nyang ito ng binanggit ko ang mga kwentong ito. Napag-alaman nila dahil sa masusing pagisisyasat ng gawain ni Sarhento. Hindi pala ito lumalaban sa Giyera. Hindi din pala sya matapang. Ang mga sugat na kanyang natamo ay kagagawan lang din nya para magamit nyang ebidensya na sya ay nasugatan sa Giyera. Missing in action eh ka nga ng iba. Ang tawag ko naman ay Ghost or multo.

Kanya-kanyang pamaparaan kung paano ka aangat at mapopromote. Umarte kang nasugatan at hirap para maawa sayo si General o kaya naman ay magpatay-patayan ka muna ng isang buwan. Ang gawa ng iba napunta na kay Major. Sya ang mabango sa mata ni General at ang ibang totoong lumaban sa Giyera ay etsa pwera na lamang kay General. Bulag na General. Paano kaya naging General yun sa kwento kong to?  Ang maipapayo ko lang din kay Sarhento sa susunod gamit ka pa ng mas maayus na props...hmmm siguro higa ka sa kabaong gaya ng mga patay na sumesweldo.

Bahala na si Commanger in Chief sayo. Tingnan natin kung hanggang saan aabot ang alamat ni Sarhento David.

Share the Love : Share On Facebook ! Share On Google Buzz ! Add To Del.icio.us ! Share On Digg ! Share On Reddit ! Share On LinkedIn ! Post To Blogger ! Share On StumbleUpon ! Share On Friend Feed ! Share On MySpace ! Share On Yahoo Buzz ! Get These Share Buttons ! Share On Google Reader ! Google Bookmark ! Send An Email ! Blog Feed !

Related Posts with Thumbnails