My Own way of Sharing the World I see on my own Perspective.

Wala na akong Bike...

Dahil sa masaklap ng pangyayari, wala na akong bike. Madami din kaming pinagsamahan ng bike kong yon... Nabili ko ng Nobyembre at ipinagpalit ko ngayun Agosto.. Halos mag isang taon na din. Masarap sana mag bike ang problema lang pag wala kang kasama boring. Pero ang maganda sa kanya eh patok ngayon ang pag bibisikleta. Sayang talaga. sana makabili ulit ako ng bagong bisikleta at makaakyat akong muli sa Antenna trail. Sa susunod indi ko na ibibili yung asawa ko ng bike... mas magandang magbike na lang ako kasama ang barkada.. Wag kayong maingay ha. Intindihin ko pa yun pagkasama ko eh.. mas mainam pa nga na nasa bahay sya para pag uwi ko na pagud na pagud sa pag padyak eh may makakain ako. Desidido na akong wag syang isama .. sana nga lang wag nyo akong isusumbong.


Pagkatapos kong ipagpalit ang bike ko ay naisipan ko naman ibenta ang bike nya.. hehehehhehe wala lang... dala ng kahirapan. Baket ba... pag engineer ka ba dapat mayaman ka.. ano yun prerequisite.. eh indi naman ako tinamaan ng swerte... malay mo bukas pag tama ko sa lotto.( ang tanong nataya ba ako?, Hindi eh sayang ang bente.. isang 5 gallons na tubig na din yun).

Dati ang gusto kong iblog yung nakakapagpa hits sa website na ito. magiisip ka ng mga entry na may keywords..puro kay google lang ang iniisip mo.. kakasawa...kakatamad mag isip.. kaya indi na ako nag iisip ngayun.. kung anong nasa kokote ko yun na lang... malay ko malay mo kung may tama ako ..

Ang natitirang bike ko na lang ngayun ay yung Folding bike ng anak ko. Galing China ata ito.. SGM yung tatak.. at may kasamang sakit ng ulo. Apat na libo din ang bili ko kaso di ako nasiyahan.. ang hirap ipedal tapos malalambot ang pyesa.. lugi ata ako sa presyo nya. kaso no return no exchange na din pala sya.. 5 months na kasi nung nalaman ko na  ganun sya. sayang..

Dahil nga sa wala na akong bike.. naisip ko na lang na mag-alaga ng pamilya ko at ng mga aso. No choice na kailangan eh... matutulog na muna ako mas syado akong na istress dito sa keyboard ko..

babush! ingats


Share the Love : Share On Facebook ! Share On Google Buzz ! Add To Del.icio.us ! Share On Digg ! Share On Reddit ! Share On LinkedIn ! Post To Blogger ! Share On StumbleUpon ! Share On Friend Feed ! Share On MySpace ! Share On Yahoo Buzz ! Get These Share Buttons ! Share On Google Reader ! Google Bookmark ! Send An Email ! Blog Feed !

Related Posts with Thumbnails