My Own way of Sharing the World I see on my own Perspective.

Amiel’s 4th Birthday

Ngayon ko lang na ipost ang birthday ng anak ko.Last september 30 pa ito pero sabi nga huli man daw at magaling..HULI pa din..

Gusto ko lang din i share kung paano pineprepare ng asawa ko ang party nya sa school. Nung una sabi nya magpapaluto na lang daw sya sa tapat ng school.Isang lumpia at spaghetti. It would cost her about 2,000 for about 40 servings. Tapos nag bago ang isip, sabi nya eh kung mag jollibee na lang tayo. She went to Jollibee and meron dun na worth 40 pesos each meal.

Sa madaling salita eh natuloy ang pag order sa jollibee. Ang naserve namin sa mga bata at isang Burger steak with rice,Juice at isang Dunkin Donut na bavarian. Kami na din ang pumickup sa Jollibee Puregold Taytay. Panahon pa nga yun na matrapik sa Muzon dahil hindi pa din madaanan ang Baytown kung san sumoshortcut ang maraming sasakyan para makaiwas.

Nagkaroon ng games at mga papremyo.nabigyan ang bawat isa ng regalo nainaabot ni amiel bilang pasasalamat. Nakakatuwa kasi pati mga ka berks ng asawa ko na kapwa estudyante ang mga anak ay nandun din para tumulong. Salamat nga pala kay Tita alice, Jean at ate Mira. Sa uulitin.

Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binigay nya sa amin si Amiel isang napakabait na bata.

Share the Love : Share On Facebook ! Share On Google Buzz ! Add To Del.icio.us ! Share On Digg ! Share On Reddit ! Share On LinkedIn ! Post To Blogger ! Share On StumbleUpon ! Share On Friend Feed ! Share On MySpace ! Share On Yahoo Buzz ! Get These Share Buttons ! Share On Google Reader ! Google Bookmark ! Send An Email ! Blog Feed !

Related Posts with Thumbnails