Bukod sa indi nakaka tired ang scooter? Eh hindi talaga sya nakakapagod.
Biruin mo eh araw araw akong pumapasok sa opisina di naman ako napapagod sa byahe ko.
Enjoyment ba!
Marahil ang pinagkaiba nilang mahigit ay ang transmission. Ito yung nagdudugtong sa makina at sa gulong. Pag sa motor ang nagpapatakbo ay ang likod na gulong. Hindi lang ako sigurado kung meron nang motor na ang unahang gulong ang ginagamit para tumakbo.
Mas matipid ang mga underbone dahil mas nakakapag fluctuate ang throttle nito pag nagpapalit ka ng gear.
Kung tatanungin mo ako kung ano ano ba ang dapat isa alang alang para sa pag bili ng motorsiklo ito ang maipapayo ko.
1.Maghanap ng isang motor na kilala na sa tibay. Wag ka nang lumayo pa.. Honda,Kawasaki, Suzuki at Yamaha lang ang pagpilian mo.Dahil bago ka palang sa pag momotor wag ka muna bumili ng mga china baka kasi maging mekaniko ka at indi mo ma enjoy ang maging isang rider.
2.Tingnan mo kung maraming katulad sa lugar nyo. Pag marami kang kaparehas na motor mas madaling magtanong at mas madaming tatanungan. It will save you a lot of money and headaches.
3.Pumunta ka sa isang mekaniko ng motor. itanong mo kung ano-ano ang mga karaniwang nasisira sa motor. (Silipin mo na din kung ano-anong motor ang ginagawa nya.. kung honda man yan ...wag ka mag honda)
4. Ipagtanong mo sa isang kaibigan na mayroong motor na gaya ng napupusuan mo kung matipid ba ito sa gas.
5.Kung mahilig mag kutingting ng mga bagay bagay patungkol sa motorsiklo ibig sabihin ikaw ay isang DO-it yourself guy. tumingin tingin ng mga bagay sa isang motorcycle shop ng pampacute.
6.MAGHANAP NG MATINONG CLUB AT MATINONG BLOG. wag ka dito mag basa. niloloko lang kita.