Hala cge pili-pili lang kahit magkanda tuwad tuwad si manang. Ganito ngayun ang itsura sa aming baryo. Christ the King Parish town Fiesta ang selebrasyon. Magulo,madaming tao, kanya kanya ng ginagawa. Sangkatutak na mga lasing sa kalye at maiingay na kumakanta sa saliw ng nirentahang videoke machine.

Pinili namin mag-asawa na kahit na madaming tao eh magsumiksik at maki usyo pa din sa mga namimili ng kung ano ano.Ito yung west side. Dito sa kinauupuan ni manong ay lahat 20 pesos ang presyo.Meron mangilan ngilan na 10 piso..nakakatuwa kasi meron syang hawak na stick tapos iaabot nya ang produkto kung malapit ito sa kanya at sa pamamagitan din ng patpat na hawak nya ay ibinabalik nito ang sukli ng mamimili.
Hala parang Pacquiao-Cotto fight. Andaming nagtatanong iisa ang sumasagot. Ang maganda lang sa negosyo ni manong... iisa presyo. "Bente Po", ang laging sagot ni manong sa mga nagtatanong. Sana nilagyan na lang nya ng lahat 20. para abot na lang ng abot sa lahat ng nagtuturo.

ito naman ang east side. Kung may west syempre dapat meron east. Maraming nagbebenta ng Bag at mga laruan pambata. lalo na yung mga pailaw na umiikot-ikot na karaniwan ipinapabili ng mga bata sa kanilang mga magulang. Napansin ko din ang isang pares ng tsinelas.. Crocs yung tatak.. heheheheh 150 each pair... naku pow sana pwede kong gamitin ito pero di kaya ng powers ng left feet ko kaya wag na lang po manong.

Ayan naman si wifey Len., indi po yung nakatuwad yung nakagray po na blurred.. hindi talaga sa kanya nakatutok ang camera...dun sa mga tinda..
Alam mo ba kung baket ako nagblog tungkol sa Fiestang ito? wala lang kasi kahapon nag shoot ako ng nagshoot ng picture sa World Pyro olympics.. at hala puro blurred at panget ang mga nakuha ko.I've done some research and it took me the whole night to configure my Kodak Digital Camera started kit. For now you can see much better compared to yesterdays crappy pics.