Ang Kuneho at ang Pagong


Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak.
"Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa.
Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho.
"Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako matatalo."
Lalo lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho.
"Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok.
Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito.
Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan.
"Handa na ba kayo".
Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!".
"Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni matsing.
Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumpisahan. Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng bundok.
Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong.
Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon.
Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating na siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo.
Patuloy naman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera.
Ng magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok.
Naunahan na pala siya.

Minsan sa aking pagmomotor naisip ko  lagi na lang akong nagmamadali. Lagi na lang gusto ko mabilis akong makarating sa aming opisina. Madami pala akong nakakaligtaaan. Katulad ng isang kuneho minsan nakakatulog din ako sa daan. Pagtulog na hindi literal kundi panlarawan.

Kung ihahalintulad ko ang sarili ko noon at ngayun maari kong sabihin isa akong kuneho na palagi na lang talon ng talon at pagnapagod na ay matutulog. Marahil mas mabuti pang maging isang mabagal na pagong. Isang pagong na matyaga nasa bawat paglakad ay nararamdaman ang saya ng paglalakbay. Magiting na pagong na alam nya sa sariling wala syang magagawa kung tatayo lamang sya at panonooring libak libakin lamang ng kanyang mga Kuneho sa buhay.

I once started a dream. And my Goal is to finished that dream.

(I wanted to know. are you a rabbit or a turtle?)

Share the Love : Share On Facebook ! Share On Google Buzz ! Add To Del.icio.us ! Share On Digg ! Share On Reddit ! Share On LinkedIn ! Post To Blogger ! Share On StumbleUpon ! Share On Friend Feed ! Share On MySpace ! Share On Yahoo Buzz ! Get These Share Buttons ! Share On Google Reader ! Google Bookmark ! Send An Email ! Blog Feed !

Related Posts with Thumbnails