My Own way of Sharing the World I see on my own Perspective.

Kung kaya nila Mag-abroad, Kaya Ko din!

Ang mga istoryang nalathala ay pawang kathang isip lamang.Ang pagkakahawig sa aking sitwasyon ay walang kinalaman.

 

Yan ang laging sigaw ni Pedrong Maglulupa. Hirap at pagod sa ilalim nang tirik na araw ang sa kanya ay laging nakadungaw. Kakarampot na lupa at napakaliit na pagkakitaan. Isabay mo pa ang matanda ng kalabaw na di na makalakad. Marahil mas mabuti pang mangi-bang bayan at doon mag simula ng bagong buhay kasama ang pamilya.

Ito din ang laging naiisip ko sa tuwing wala na akong pera sa bulsa. Na sa tuwing ipapasok ko ang aking kamay sa mga hinlukipkip na pantalon ay wala na palang papel kundi mga bakal na kumakalanseng na lamang. Sa tuwing may sakit si amiel at kailangan ng pera pambayad sa ospital at sa tuwing susunod na macoconfine si sam at higit sa lahat ay masisira ang aking oto.

Paikot ikot lamang ang ganitong sitwasyon sa halos 5 taon kong pagtatrabaho bilang isang inhinyero. 2 linggo sesweldo at sa loob ng 1linggo mauubos ang sweldo kaya’t mangungutang na naman para sa natitirang isang linggo bago ang sweldo. May pagpipilian ba ako? oo ang mangutang ng maisalba ang pamilya ko ng isang linggo.

Ano nga ba ang nararapat na sweldo para sa isang inhinyerong may 2 anak at asawa. Sapat ba ang dalawampung libo para sa isang buwan. Hindi! inuulit ko Hindi. Napakahirap pagkasyahin. Maaring oo kung libre ang pagpapaospital at gamot, libre ang edukasyon. Subalit sa lahat ng aking nabanggit ni isa ay walang natupad. Walang benepisyo para sa pamilya kundi ang nag-iisang trabahador. Ang kakarampot na kinita sa ospital at doktor pa mapupunta.

Disgusting!(english yun). Kayo kaya ang lumagay sa katatayuan ko. Minsan put your feet on my shoe. Atsaka kita tatanungin, Ok ka lang pare?. Baka di mo kayanin at mapaiyak ka na lamang.

Damn! Isang tanong na nakakainit ng dugo at kalamnan. Isang tanong na minsan ay indi mo alam kung nagmamalasakit o nang-aasar. I’m pissed off. Naglipana na ang mga resume ko ngayon. Dahil nga sa favorite ko ang qoute na “ Kung kaya nila mag-abroad, kaya ko din”. Nagsend na ako sa Qatar, Singapore, Dubai, Libya, New Zealand, Australia. At lahat sila ay wala pang reply. Huwaaaaaaaaaaat….

Tapos na ang maliligayang araw ko sa Pilipinas. Isa na din ako malamang sana mga dadating na araw na magtatakwil at lilisanin ang bayang sinilangan. Kapalit ng isang bagong buhay nag magpapalaya sa pagiging bilanggo sa kahirapan. Isang simpleng pangarap lang naman ang gusto ko. Ang tumigil na sa trabaho habang kumikita ng isandaang libong piso kada buwan. Hindi pa ko tumitigil sa pag akap sa aking pangarap. Naniniwala pa din ako na may pag-asa pa ako at ang aking pamilya. At naniniwala din ako na wala kasalukuyan kong kinasasadlakan ang aking pag-asa. Paalam at sana’y naintindihan mo ang aking hiling. Itaas ang sweldo at dagdagan ang benepisyo.

maki-BAKA!!!! wag matako!!!! ibagsak ang imperyalismong Kapital!

 

--Gumagalang

Apolinario Mabuni

 

 

 

Ito ang favorite qoutes ko ngayon, “kung kaya nila mag-abroad, kaya ko din!”.

Share the Love : Share On Facebook ! Share On Google Buzz ! Add To Del.icio.us ! Share On Digg ! Share On Reddit ! Share On LinkedIn ! Post To Blogger ! Share On StumbleUpon ! Share On Friend Feed ! Share On MySpace ! Share On Yahoo Buzz ! Get These Share Buttons ! Share On Google Reader ! Google Bookmark ! Send An Email ! Blog Feed !

Related Posts with Thumbnails