My Own way of Sharing the World I see on my own Perspective.

Blue Wave 125 with Plate number 2899PC

Kagandang umaga naman ng byahe ko. Di pa gaganda eh may humamon sa akin at nagalit nababangain ko daw ba sya.

From Kay Tikling eh nag cruisin speed lang ako ng 60kph. Usual route ko every day. Pag dating sa Tropical Singer nakita ko itong Blue Wave 125 with plate number 2899PC na ginitgit at tinamaan ang manibela ng pobreng Honda Dream 100. Walang magawa ang matandang rider kundi ituro at magsalita sa sarili. Siguro nasabi nya, “ walanghiyang bata iyon ah  di man lang tumigil at nag sorry”. Pinilit man nyang habulin para pagalitan ay hindi na nya nagawa. Dahil sa ako ay saksi sa nangyari, ako na ang humabol. Binusinahan ko ang Blue wave 125 na rider pero hindi man lang namansin. Parang patay malisya na wala syang kasalanan sa kamuntikan na pagsemplang ng Matandang rider.

Dahil sa ganun na pangyayari. Ginawa ko syang cone sa race track. Pininahan ko din sya tulad ng ginawa nya kay manong pero hindi ko sya pinatatamaan.

Pagdating sa Volley Golf ay bigla syang nagcut sa harap ko at nagbukas ng helmet.

Blue wave 125 rider: Gago ka ah, Baket gusto mo ba akong banggain.

Clutch: Baket tinamaan ka ba? Nabangga ba kita?

Blue wave 125 rider: mmmmmmmmm

Clutch: EH yung matanda nga na tinamaan mo ng manibela dun eh hindi mo hinintuan. Tapos di ka naman tinatamaan o nababangga eh nagagalit ka.

Umalis ang ungas na blue wave 125 rider with plate number 2899PC. Akala nya siguro eh makikipagsuntukan ako sa kanya. Hindi na noh sayang ang FEZ ko. Mainit ang ulo mo wag mo idaan sa kalsada. Yan ang natutunan ko. Dapat cool na cool ka lang. Kung nakasagi ka humingi ka ng dispensa indi yung tinatakbuhan. Ano ba naman yung pag taas ng kamay bilang sign ng sorry.

Na ishare ko lang. Yung mga bagay na gusto mong gawin sayo ng iba, eh yun ang gawin mo din sa kanila.

Share the Love : Share On Facebook ! Share On Google Buzz ! Add To Del.icio.us ! Share On Digg ! Share On Reddit ! Share On LinkedIn ! Post To Blogger ! Share On StumbleUpon ! Share On Friend Feed ! Share On MySpace ! Share On Yahoo Buzz ! Get These Share Buttons ! Share On Google Reader ! Google Bookmark ! Send An Email ! Blog Feed !

Related Posts with Thumbnails