My Own way of Sharing the World I see on my own Perspective.

Dear Nognog

Dear Nognog,

Sumulat ako sa’yo sa kadahilanang ako lubos na nalulungkot sa iyong pagkawala sa aking piling.Hindi lumipas ang mga araw ng hindi ko naaalala ang mga kasiyahang naidulot mo sa akin. Kamusta ka na jan? Sana’y nasa mabuti kang kalagayan. Maayus naman ang lahat sa bukirin. Nagtatanong na pala si tatay kung kelan ka ulit magpapadala ng pera dahil kapos na naman kami. Basta ang natatandaan ko lang ipinangako mo na iaangat mo ang antas ng ating kabuhayan. Sinabi mo pa noon na magkakaroon ang lahat ng nararapat ayun sa kanyang pagtatrabaho sa bukid.

At hinid ko din makakalimutan ang pangako mo sa akin na lagi mo akong tatawagan o itetext man lang. Pero ano na nga ba ang nangyari Nognog. Tila isang bula na naglaho ang pangako mo. Lagi mo na lang sinasabi na oo cge…bibigay ko na pero indi namna nangyayari. Wala pa atang natupad sa mga pangako mo.

Ano’t ano pa man ikaw pa din namna ang hari ng bukirin at kami ang iyong mga alipin. Nandito lang kami dahil sa iyong awa. Alam kong malungkot ang mag isa jan pero mas malungkot kaming pinapaasa mo lang palagi. Sana ay hindi mangyari na ang pagasa ko ay mawala.

Nognog tuparin mo namna ang pangako mo kahit minsan lang…AWWW!

Share the Love : Share On Facebook ! Share On Google Buzz ! Add To Del.icio.us ! Share On Digg ! Share On Reddit ! Share On LinkedIn ! Post To Blogger ! Share On StumbleUpon ! Share On Friend Feed ! Share On MySpace ! Share On Yahoo Buzz ! Get These Share Buttons ! Share On Google Reader ! Google Bookmark ! Send An Email ! Blog Feed !

Related Posts with Thumbnails