My Own way of Sharing the World I see on my own Perspective.

Etere MTX on Dell Precision T7500

Natapos ko na!!!! Palapakan nyo naman ako!! Mga lintek na ako!

Akalain mong na installan ko ang Lintek na Dell Precision T7500 na Win7 lang ang gusto. Eh paano ba naman kasi itong Etere MTX eh sa window XP lang tumatakbo. Pistulan. Ngyawa!

Pero ano’t ano pa ay natapos ko sya. Nainstallan at napadetect ang SAS 6/ir na raid controller nya. Ginamitan ko ng magic. Nag remaster ako ng Winxp nakasama na ang SAS 6/ir driver nya. Pag pasok ng CD eh di nag install sya at nadetect nya ang lintek na Win xp.

Another challenge,

Paano ang mga XP drivers. Balik ako sa DELL.com para idownload ang mga XP drivers. Aba akalain mong meron…isa isa kong dinownload at ininstall ang mga ito. aba pumasok at natapos ko lahat ng may question mark sa device manager. Hmmm promising ang loko….

At ano pa ang susunod na kabanata? Eh di ang pag patched ng Windows xp service pack 3 pero bago iyon kailangan mo munang i install ang mga updates. Dahil natapos ko ang lahat ng device na malagyan ng driver. Pwede na akong kumonekta sa microsoft para idownload ang mga security updates at mga patched.

80 patch ang kailangan idownload  at nag simula ako ng 6PM at natapos ng 7PM, mabuti na lang mabilis ang internet namin sa opisina at solo ko na ito dahil umuwi na ang lahat ng empleyado.

Pagkatapos na ma ipatch at ma-i upgrade sa service pack 3 ang server na ito. Kailangan ko naman lagyan ng .net framework 3.5 at .net framework 2.0. It’s a requirement on the Etere module. Also installed are the 2005 visual C++ at  2008 Visual C++.

 

Now I’m done with the Video server installation. Nainstall ko na din ang Etere MTX module at nakapagcreate na din ako ng Database (mtxdb) folder. Bukas ko pa matetest ang performance nya dahil wala ang XMIO/12/8000 na Matrox card.

Nakatutuwang isipin na napagana  ko ang videoserver na ito sa tulong ni google. Bukas ko pa malalaman kung ano ang kahihinatnan nya pag naka connect na sya sa Etere Database sa Abs-cbn.

Masayang araw kaya o malungkot ang bubungad sa akin bukas?

Share the Love : Share On Facebook ! Share On Google Buzz ! Add To Del.icio.us ! Share On Digg ! Share On Reddit ! Share On LinkedIn ! Post To Blogger ! Share On StumbleUpon ! Share On Friend Feed ! Share On MySpace ! Share On Yahoo Buzz ! Get These Share Buttons ! Share On Google Reader ! Google Bookmark ! Send An Email ! Blog Feed !

Related Posts with Thumbnails