My Own way of Sharing the World I see on my own Perspective.

Toma-tomaan na…

Bihirang bihira ako uminom ng alak. Kahit itanong mo pa sa ka-opisina ko at asawa. Hindi ko lang talaga gusto ang amoy at lasa nito. Para ka mo kasing pinapahirapan ang sarili mo pag umiinom ka nito. Pero kanina habang bumibili kami ng ice cream sa tindahan ay naisipan kong isama sa mga pinamili ko ang dalawang bote ng San Mig Lights. Wala lang. Siguro dahil natuwa ako at gusto kong icelebrate ang matagumpay kong installation ng Etere MTX sa Dell Precision T7500. Ito kasi ang gagamitin ng Abs-cbn Sports para sa kanilang Coverage sa NCAA at UAAP sa Format ng HD (High-definition). O kaya naman eh dahil sa namiss ko lang ang lasa nito. Dalawang bote ang binili ko.Isa para sa akin at isa para kay Len.

Tinanong tuloy ako ng mga gwardiya dito ( si sam at amiel) kung baket daw ako maglalasing. Sabi ko anak..indi naman malalasing si Daddy ng isang bote lang. Mag papaantok lang si Daddy. Naku pow ng buksan ko na ang bote ko biglang nagsalita ang bunso ko., Ayan na maglalasing na si Daddy. Nakakatuwa yung itsura nya parang naaasar na inosente.

Hayz.. na isip ko lang ipasok sa blog entry ko ito. Kasi marami ang nagtatanong kung nag iinum daw ba ako..OO nag iinum din ako..Kahit pilay nag iinum din..

Share the Love : Share On Facebook ! Share On Google Buzz ! Add To Del.icio.us ! Share On Digg ! Share On Reddit ! Share On LinkedIn ! Post To Blogger ! Share On StumbleUpon ! Share On Friend Feed ! Share On MySpace ! Share On Yahoo Buzz ! Get These Share Buttons ! Share On Google Reader ! Google Bookmark ! Send An Email ! Blog Feed !

Related Posts with Thumbnails