My Own way of Sharing the World I see on my own Perspective.

Mahaba-habang Usapan ba?

Narelease na nga sya…pero baket parang di ka masaya “clutch”. Indi naman ,Sagot ni Clutch. Nag-iisip lang ako kung ilang libo ang isang buwan sa 6 na buwan kong pag iintay. Swakto pala ang tseke kong natanggap ngayun pambayad ng Credit card ko.

Iniabot lang kanina yung tseke at mejo nahilo ako sa nakasulat. Hindi ko ata inaasahan ang nakasulat dito. katumbas ito ng 2 buwan kong adsense nakita.Hmm nakapag-iisip.

Iba’t-iba ang naging reaksyon ng mga nakatanggap. May nahihiya na parang di mapakali. Meron naman animo’y may ginagawa sa harap ng laptop nya pero wala naman pala at naghihintay lang. Ang isa namay ay nagtatatawag na sa kanyang credit card bank kung paano mababayaran. Hayz…katuwa na naman ang sinaryo sa aming munting usapan. Akala mo ay mga bubuyog na naghihintay ng pamumukadkad ng bulaklak.

Nahati hati ko na nga habang bumabyahe ako gamit ang aking scooter na hayate. Ipambabayad ko lang ito ng isang buwan kong bill sa credit card. Ang matatanggap ko sa Google Adsense ko naman ay mapupunta para sa susunod na buwan. Ang susunod na Engineering Commission ay para sa semi-annual na pambayad sa school ng anak ko.

Hindi na ata tama ang sweldo ko para sa 3 pinapakaing miyembro ng pamilya. Isa na atang kalokohan ang ginagawa kong pagiging martir sa opisinang ito. Ano pa kaya ang mangyayari sa kasalukuyan kung andito pa din ako sa opisinang ito. Hmmmmm

at isa padin napakahabang hmmmmmmmmmmmmm… ang alam ko lang ang Diyos pa din ang magpapasya. Ang lahat ng katanungan kong ito sa kanya ko pa din itinatanong at hinihinga ng payo.

Marahil hindi lang talaga sapat. Panahon na para magtipid.

Magsipag at lalo’t higit ang umasa sa biyaya ng Diyos araw araw. Baka marahil nasobrahan akong magtiwala sa sarili at naisantabi ko ang Diyos.

Sa ngayun ako ay may mga pending na applications sa ibang I.T. BPO company. Subukan ko naman muna ang ibang kumpanya…. alam ko ang Diyos pa din ang aking patnubay.

Share the Love : Share On Facebook ! Share On Google Buzz ! Add To Del.icio.us ! Share On Digg ! Share On Reddit ! Share On LinkedIn ! Post To Blogger ! Share On StumbleUpon ! Share On Friend Feed ! Share On MySpace ! Share On Yahoo Buzz ! Get These Share Buttons ! Share On Google Reader ! Google Bookmark ! Send An Email ! Blog Feed !

Related Posts with Thumbnails