My Own way of Sharing the World I see on my own Perspective.

Maging totoo at maging makabuluhan

Maganda gabi...

Ang init noh? Summer nga naman. Mabuti na lang at may Air-con ang kwarto ko kaya pwede akong matulog at magpahinga sa hapon para naman may lakas ako sa gabi at makapagsulat sa blog na ito. Wala pa akong balita kung naitala na ang pinakamataas na grado ng temperatura ngayun pero sobrang init talaga.

Habang ako ay nagpapahinga naisip ko lang na ano nga kaya ang pwede kong ibahagi at maitulong sa kapwa ko. Hindi tulong na pag pasko lang kundi tulong na pang habambuhay. Mahirap din pala mag-isip lalo na't ang mga nais mong tulungan ay mga di nakapag-aral at talaga mag-uumpisa ka sa wala. Naisip ko na magtayo ng recycling center kaso wala akong lugar. Naisip ko din magtayo ng pagawaan ng tsinelas na balat ngunit wala naman din pondo. Ano nga kaya ang dapat gawin para maging makabuluhan  ang baway oras at araw ng kapwa ko dito sa aming munting barrio? 

Kung minsan titingnan mo at babalikan sila din yung kasa-kasama mo noong bata ka pa. Sila yung mga kalaro mo dati at pawang mga kakwentuhan at mga kasama sa kalokohan. Pero dahil sa salat sa pera ay indi nila natapos ang kanilang pag-aaral. Sa aming barrio, mabibilang ang mga nagtapos. Ang iba nakapagtapos nga ngunit wala naman trabahong mapasukan. Mabuti na nga lang at may mga call-center/BPO na nagsulputan.

Kilala ang barrio namin noon sa pugad ng mga Addict at mga magnanakaw. At mukhang hanggang ngayun ay ganun pa din sya. Bagaman indi na yung mga kasama ko ang gumagawa nito at bagong henerasyon na naman. Kakulangan kaya sa pera o sadyang maling pagpapapalaki lang? Nakakaawa pero ano nga ba ang ginagagawa nila para maiangat ang kanilang buhay? At  ano ang pwede kong itulong para maiangat din ang kanilang mga buhay? Ito ang gusto kong gawin at ito ang gusto ng aming sambahayan gawin. Ang makatulong sa mga taong nangangailangan.. Ang turuan silang mangisada at indi ang manghingi....

May naisip na akong pagkakakitaan para sa kanila..Humahanap na lang ako ng lugar kung san namin pwedeng gawin ang mga ito. Nawa ay maging matagumpay ang aming balakin at salamat sa panalangin nyo na ang Dios ang patuloy na magpapatnubay sa lahat ng desisyon.

Share the Love : Share On Facebook ! Share On Google Buzz ! Add To Del.icio.us ! Share On Digg ! Share On Reddit ! Share On LinkedIn ! Post To Blogger ! Share On StumbleUpon ! Share On Friend Feed ! Share On MySpace ! Share On Yahoo Buzz ! Get These Share Buttons ! Share On Google Reader ! Google Bookmark ! Send An Email ! Blog Feed !

Related Posts with Thumbnails