My Own way of Sharing the World I see on my own Perspective.

Mamatay ka sa inggit

Natatandaan ko noon...pagka may inggitero akong kaklase sinasabihan namin ng mga barkada ko..Eh di mamatay ka sa Inggit. Mabuti na lang hindi nakakamatay ang inggit kasi kung totoo nga ito. malamang walang natira sa mundo. Karaniwan sa tao pero pwedeng iwasan at pwedeng mawala.

Depende na lang talaga kung ang taong yun eh may sariling pag-iisip at may kakayahan na mag-ayus ng kanyang pananaw sa sarili. Ewan ko ba kung baket sa dinami dami ng taong nakapaligid sa aming bakuran eh napakalapit ng mga inggitero't inggitera. Mga taong ang alam lang eh tingnan ang galaw mo...kunwari pang tatanungin ka kung san ka nanggaling pero ang totoo eh gustong malaman kung anong pinamili mo at kung baket ka umalis. Mga nakakaawang nilalang na walang magawa at ang inaatupag lang ay ang tumingin sa mali ng iba. Bitter nga ba o sadyang nakagawian na. Ayoko na mag research kung baket nga ba ang mga taong ito eh napaka pait. Walang kang sabihin or may sabihin ka ganun pa din.


Ayoko na sabihin na mamatay ka sa inggit. Ang gusto ko na lang ay Ipagdasal kayo at sana'y umunlad kayo  para indi nyo na kainggitan ang mga taong katulad ko na nagpapakahirap mag trabaho para makaahon sa hirap. Meron naman nasa kanila na lahat mayaman naman pero baket ba kung ano yung nasa akin yun pa ang ginugusto. Para bang teleserye na kung anong gusto ng bida eh yung din ang gusto nya. Hoy, sayo na lahat. Bilin mo na lahat.. Wag mo lang kantiin ang pamilya ko dahil Dios na ang makakalaban mo. Para sa iyo, hindi ako karapatdapat na kainggitan. Matuwa ka sa sarili mo dahil buong-buo ka. Lahat may katapusan.... basta siguraduhin mo lang masaya ka sa ginagawa mo. Bilog ang mundo...Pwedeng minsan isang araw nasa baba ka...at baka di ka na maka akyat.

Share the Love : Share On Facebook ! Share On Google Buzz ! Add To Del.icio.us ! Share On Digg ! Share On Reddit ! Share On LinkedIn ! Post To Blogger ! Share On StumbleUpon ! Share On Friend Feed ! Share On MySpace ! Share On Yahoo Buzz ! Get These Share Buttons ! Share On Google Reader ! Google Bookmark ! Send An Email ! Blog Feed !

Related Posts with Thumbnails